Paano kami makakatulong sa mga problema sa batas
Ang impormasyong ito ay ginawa sa Wurundjeri Land.
Tama ang impormasyong ito noong Enero 2022.
Ang mga problema sa batas ay maaaring maging dahilan ng iyong pagkanerbiyos, pagkabalisa, kalungkutan o galit. Nauunawaan namin na maaaring ganito ang nararamdaman mo kapag nakikipag-ugnayan ka sa amin. Maaari kaming tumulong sa iyong problema sa batas.
Paano mo sasabihin sa amin ang tungkol sa iyong problema sa batas
May tatlong paraan para sabihin sa amin ang tungkol sa iyong problema sa batas. Maaari kang:
- tumawag sa Legal Help sa 1300 792 387
- sumulat sa amin online gamit ang aming webchat
- bisitahin ang isa sa aming mga opisina.
Para makapaghanda, kunin ang anumang mga papeles tungkol sa iyong problema sa batas. Ang mga papeles ay maaaring isang pagmulta o liham o email mula sa korte, abogado o pulisya.
1. Tawagan ang Legal Help
Maaari mong tawagan ang Legal Help sa 1300 792 387.
Bukas ang Legal Help, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi. Ang opisina ay sarado sa mga pista opisyal.
Ang halaga ng tawag ay kasing-halaga ng tawag sa lokal na telepono.
Kahit sino ay maaaring tumawag sa Legal Help.
Kung tatawagan mo ang Legal Help, maaari kang paghintayin. Kung magagawa mo, tawagan sila sa umaga.
Mas mabilis kung gagamitin ang aming webchat.
Maaari ba akong makipag-usap gamit ang aking wika?
Ang aming mga tauhan ay nagsasalita ng maraming wika. Kung hindi kami nagsasalita ng iyong wika, aayusin namin na mabigyan ka ng serbisyo ng interpreter sa iyong pagtawag.
Alamin kung nagsasalita kami sa iyong wika.
Maaari bang may tumawag para sa akin?
Oo. Maaaring tumawag sa amin ang isang manggagawa o tagasuporta na pinagkakatiwalaan mo. Pinakamainam kung kasama ka ng iyong manggagawa o tagasuporta kapag tumatawag siya. Dapat sundin ng mga manggagawa ang mga tagubilin sa telepono.
Maaari ko bang gamitin ang National Relay Service?
Oo. Mayroong iba't-ibang mga pagpipilian:
- TTY: tumawag sa 133 677 at pagkatapos ay tumawag sa 1300 792 387
- Speak and Listen: tumawag sa 1300 555 727 at pagkatapos ay tumawag sa 1300 792 387
- Internet Relay: pumunta sa nrschat.nrscall.gov.au at pagkatapos ay tumawag sa 1300 792 387
- SMS Relay: mag-text sa 0423 677 767
- Video Relay: gamitin ang Skype o ang National Relay Service app.
Dapat kang magrehistro sa National Relay Service bago gamitin ito.
2. Sumulat sa amin sa webchat (Ingles lamang)
Gamitin ang aming webchat, na tinatawag na Legal Help Chat, para magpadala ng mensahe sa aming kawani tungkol sa iyong problema sa batas. Sasagutin ka ng aming kawani. Maaari niyang sabihin sa iyo na tawagan ang Legal Help kung kailangan mo ng higit pang tulong.
3. Bisitahin kami
Maaari mong bisitahin ang aming mga opisina. Mayroon kaming mga opisina sa Melbourne at sa mga rehiyon sa Victoria. Alamin kung saang lugar ang aming mga opisina.
Kailangan mo ng appointment para makipag-usap sa isang abogado.
Ang aming mga opisina ay may mga rampa o elebeytor at may serbisyong magiliw sa hayop (animal-friendly).
Ano ang mangyayari kapag tumawag ka sa amin
Magtatanong kami sa iyo. Makakatulong ito sa amin na magpasya kung anong tulong ang ibibigay namin sa iyo.
Lahat ng sasabihin mo sa amin ay kumpidensyal. Hindi namin sasabihin ito kahit kanino, maliban kung sasabihan mo kami na maaari naming gawin ito.
Makakatulong kami sa maraming mga problema sa batas. Kung hindi namin masagot ang iyong mga tanong, ibibigay namin sa iyo ang mga detalye ng isang taong matatawagan at makakasagot nito. Ito ay maaaring isang sentrong pambatas sa komunidad (community legal center) o isang pribadong abogado.
Paano kami makakatulong
Legal na impormasyon at payo
Maaari naming sabihin sa iyo ang tungkol sa batas at ang iyong mga pagpipilian.
Maaari rin kaming:
- magpadala sa iyo ng impormasyon
- makipag-usap sa iyo sa harap ng korte
- iugnay ka sa iba pang mga serbisyo at suporta
- sumulat ng mga liham
- magsalita para sa iyo sa korte.
Depende ito sa:
- iyong problema sa batas
- kung magkano ang iyong pera.
Maaari kaming magbigay ng karagdagang tulong kung ikaw ay:
- nahihirapang magsalita sa Ingles
- may kapansanan o problema sa kalusugan ng isip
- isang Aborihinal at/o Torres Strait Islander.
Maaari naming ayusin na mabigyan ka ng suporta sa pakikipag-usap sa amin, tulad ng mga interpreter o National Relay Service.
Maaari kaming makipag-ugnayan sa iyo sa mga paraang kapaki-pakinabang sa iyo.
Sabihin sa amin ang gusto mong paraan ng pagbibigay namin sa iyo ng impormasyon.
Mga duty lawyer
Ang aming mga duty lawyer ay nagtatrabaho sa mga korte sa buong Victoria. Tumutulong sila sa ilang mga problema sa batas. Maaari ka nilang matulungan sa araw ng korte, kung wala ka pang abogado. Kung pupunta ka sa korte at wala kang abogado, hilingin sa korte kung maaari kang makipag-usap sa isang duty lawyer. Maaari ka ring magtanong tungkol sa iba pang mga serbisyong makakatulong sa iyo.
Kung pupunta ka sa Korte ng Mahistrado dahil ayon sa pulisya ay lumabag ka sa batas, maaari kang makipag-usap sa isang abogado bago pumunta sa korte. Alamin ang higit pa tungkol sa aming Help Before Court service.
Kung pupunta ka sa mga Korte ng Batas Pampamilya, maaari kang makipag-usap sa aming mga Family Advocacy and Support Service bago pumunta sa korte.
Iba pang suporta
Maaari kaming magbigay ng iba pang suporta para sa iyong problema sa batas.
Maaari kang suportahan ng Independent Mental Health Advocacy kung sapilitang ginagamot ang kalusugan ng iyong pag-iisip.
Maaaring suportahan ng aming Independent Family Advocacy and Support ang mga magulang at pangunahing tagapag-alaga sa mga unang yugto ng sistema ng proteksyon sa bata.
Kung ikaw at ang iyong partner ay maghihiwalay, maaari kang suportahan ng aming Family Dispute Resolution Service upang magkaroon ng mga kasunduan. Halimbawa, kung sino ang mag-aalaga sa inyong mga anak.
Alamin ang higit pang impormasyon tungkol sa iyong problema sa batas
Ang aming website ay may impormasyon tungkol sa iba't ibang mga problema sa batas.
Maaari kang mag-zoom in sa website o gumamit ng screen reader.
Mayroon ka bang impormasyon na easy read (madaling basahin) o nakasulat sa aking wika?
Mayroon kaming mga libreng booklet tungkol sa ilang mga paksa tungkol sa batas sa iba't ibang wika at ‘easy read’.
Mahahanap mo ang aming mga booklet sa aming catalogue page.
Maaari kang gumamit ng screen reader upang basahin ang aming mga lathalain.
Pagkilala
Ang aming mga grupong Shared Experience and Support at Speaking from Experience ay nakatulong sa pagsulat ng pahinang ito.
Updated